07 October 2012

Pwede Na


Sabi ko sa Twitter kahapon:

We evolve with our desires. That’s why the things/people we couldn’t have considered before, we can and will consider now. And that’s a good thing.

May konteksto kaya ko sinabi yun. Pero hindi ko na iisa-isahin yung mga bagay na hindi ko ginagawa dati pero ginagawa ko na ngayon. Baka magkabistuhan pa. Haha. Ang totoo, konti lang naman yun. Konti pero major. At kung kilala mo ako, alam mo kung ano para sa akin ang major.

Major yung naniniwala na ako ngayon na hindi dapat perfect ang sitwasyon para pasukin ko yun. Major din yung kaya ko na ngayon makita ang sarili ko na may ibang ksama na hindi sya (at kung regular reader ka ng blog ko, dapat alam mo na kung sino sya dahil isa lang ang “sya” sa blog na ‘to). Major din yung pwede ko na aminin ngayon sa sarili ko na hindi pala ako ganun ka-idealistic. At ang pinaka major, yung natatanggap ko na na wala pala akong napala sa pagiging idealistic ko dati.

Masaya nga sana kung nakuha ko lahat ng gusto ko— tamang timing, tamang tao, tamang plano. E kaso hindi. At okay lang yun. Kasi yung mga nakakuha ng gusto nila at naging masaya dun, hindi nila alam pano ang pakiramdam ng hindi nakuha ang gusto pero masaya pa din. Hindi nila alam na kung naghintay pa sila, pwede naman palang mag-iba na yung gusto nila at mas okay din yun.

Gaya ng nangyayari sa akin. Kung nakuha ko yung gusto ko dati, pano na yung gusto ko ngayon? E di hindi man lang sya naging option. At lahat ng iba pang options pagkatapos nya, hindi na din dadating. Parang ang lungkot nun.
Kaya ito ang pinakamasaya, nakakawindang at winner na major realization ko ngayon: We evolve with our desires.  Buti na lang. ;)

No comments:

Post a Comment