17 April 2012

Uso Pa Ba Ang Happy Ending?

Kakatapos ko lang basahin ang Book 3 ng Hunger Games. Tulad ng inaasahan, nagkatuluyan ang mga dapat magkatuluyan, natalo ang mga kontrabida, at nanalo ang mga bida. Pero nakakainis na may mga namatay na sa tingin ko, hindi dapat. Kaya pagkatapos ko magbasa, ang nasabi ko lang ay:

Uso pa ba ang happy ending?

Bakit lahat ng basahin ko o panoorin ko, pag may element of joy, may tragedy na kapalit? Bakit pag nagkatuluyan ang magka loveteam, mamamatay ang kapatid? Bakit pag gumaling ang tatay, may utang pala sa sindikato? Bakit pag yumaman na, may cancer pala? Bakit pag peace time na at tapos na ang giyera, mag isa ka na lang sa buhay?

Bakit wala nang happy ending na happy ending lang, period? Tingin ko, kahit ok naman maging realistic, masaya din makapanood ng masaya lang. Ganun dati, nung bata pa ako. Pag nahuli na ang bruha, happy ever after na. Wala nang huling hirit na mamamatay. Wala nang twist na may iba pa palang mas evil na kontrabida. Maaaring hindi realistic pero hindi naman ako nanonood at nagbabasa para makanood ng realistic. Kung ganun din lang, e di makikitsismis na lang ako sa buhay ng kapitbahay ko.

Nakakamiss ang simpleng happy ending. Iniisip ko na lang na kung hindi ko man sya makita sa mga binabasa ko ngayon, baka sa real life ko na lang sya makita. Tutal naman, baligtad na talaga ang mundo. At kahit ako syempre ang bida (dahil buhay ko naman ito), kaya ko din maging bruha. Pick your own happy ending, sabi nga nila. Or better yet, pick your own leading man. Pero hindi na lang fiction yun. Fantasy life na. ;)

Anyway, ito lang ang point ko:

Ibalik ang happy ending.

Kahit anong sabihin nila, kailangan pa din natin yun. Lalo na ngayon.

No comments:

Post a Comment