08 December 2011

Christmas Wishlist


I was and never will be materialistic....that one I can prove!

Dahil kahit naman kaya kong bumili ng mga branded na bagay hindi ko ginagawa. Wala lang, parang wala lang silang dating, given the theory of depreciation...wohohhh accounting na naman?

Or baka hindi lang talaga bagay sakin ang mga branded. Mukha rin silang cheap pag ako ang nagsuot. Oh, that was false humiliation.

Or kuripot lang ako? Hindi naman :P

Nun bata ako super excited ako sa pagdating ng Pasko, preparation para sa christmas party ek-ek. Bagong damit, sapatos....tapos may christmas tree pa. Pero wala kaming Santa Claus, siguro kulang sa budget ang aming santa.

Ganun lang din kasimple ang noche buena. Parang staple ang spaghetti, puto at prutas. Pero ang saya-saya. At pag swerte, after ng simbang gabi may bibingka or puto bumbong.

Pero ngayon, parang wala lang......
Ang pasko ba ay para lang talaga sa bata?
Matanda na ba ako?
Or pinatanda ako ng panahon....fast forward....

Pero sana kahit para sa bata ang pasko, sana pwede pa rin ako mag wish....

Kaso kahit siguro mayaman na ang Santa Claus ko, hindi rin nya afford ibigay sakin ung wish ko.

Kase kahit 5x ang monthly bonus matanggap namin di ko pa rin pwede bilhin ang anumang nasa wishlist ko.

Nakaka sad naman :(

No comments:

Post a Comment